DAHIL SA TRAIN LAW? | Inflation rate ng Pilipinas, tumaas ngayong buwan

Manila, Philippines – Naitala nitong Enero ang pinakamabilis na pag-akyat ng inflation rate ng bansa sa loob ng tatlong taon.

Ang inflation rate ang sukat ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Ayon kay National Economic And Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia, isa sa dahilan ng pagtaas ng inflation rate ay ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.


Pero minimal at temporary lang aniya ang epekto ng TRAIN.

Gayunman, sinabi ni Pernia na kailangang magbigay ng financial assistance ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya na nakasaad sa batas.

Sa ilalim nito, dapat mabigyan ng Conditional Cash Transfer na P200 kada buwan ang poorest 50 percent ng populasyon.

Maliban pa rito ang diskwentro sa pamasahe at pagpapababa sa presyo ng NFA rice habang dapat tumanggap ang mga driver ng fuel voucher.

Facebook Comments