Manila, Philippines – Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Metro
Manila ngayong araw ng Martes, March 20.
Sa anunsyo mula sa tanggapan ni Presidential Spokesperson Harry Roque,
sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase dahil sa mga banta ng
ilang grupo o epekto ng transport strike para masiguro ang kapakanan ng mga
mag-aaral.
Para naman sa mga nasa lalawigan, ipinaubaya na ng Malakanyang ang
pagsususpinde sa mga lokal na pamahalaan.
Una nang binigyan diin ng pamahalaan na hindi makukuha sa pagbabanta ang
gobyerno dahil wala nang makapipigil pa sa pag-arangkada ng PUV
Modernization Program.
Sa buwan ng Abril at Mayo ay magsisimula nang gumulong sa mga bagong ruta
ang mga modernong jeepney sa ilang lugar sa Metro Manila at sa ilang
rehiyon.
Minaliit din ni LTFRB Board Member Aileen Lizada ang banta ng grupong
PISTON na may susunod pa silang ikakasang transport strike.
Aniya, laging handa ang Joint Quick Reaction Team tuwing magtitigil pasada
ang PISTON kung kayat hindi natitigatig ang gobyerno.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>