DAHIL SA TSISMIS | Lalaking nanaksak ng kapitbahay, patuloy na pinaghahanap

Manila, Philippines – Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang isang lalaking nanaksak ng kaniyang kapitbahay dahil umano sa tsismis sa Barangay 259, Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, sinugod ng suspek na si Gino Pasco ang biktimang si Rizaldy Nagat matapos siyang i-tsismis na pumapatol sa bayarang babae at bakla.

Tumakbo papatakas si Pasco at sinubukan pang habulin ni Nagat pero hindi na niya inabot dahil sa tama ng saksak sa sikmura.


Sa ngayon ay nagpapagaling sa ospital si Nagat habang umaasa naman ang mga opisyal ng barangay na magsisilbing aral ito sa iba para maiwasang malagay sa panganib dahil sa tsismis.

Facebook Comments