DAHIL SA TUBIG | Isang security guard, patay matapos makaalitan ang kapwa nito gwardiya sa Pasay City

Pasay City – Dead on the spot ang isang security guard habang kritikal sa hospital ang nakaaway nito matapos magtalo nang dahil lamang sa inigib na tubig sa compound sa Electrical Road, Pasay City.

Sa ulat, unang nagkasagutan ang suspek na si Joel Lerios at ang biktimang si Rodrigo Opinaldo na kapwa nito guwardya makaraang gamitin nito ang inigib niyang tubig.

Nagpaliwanag si Opinaldo na hindi niya sinasadyang magamit ang tubig pero hindi pa din nawala ang galit ni Lerios.
Dito na nauwi sa suntukan hanggang sa magbarilan ang dalawa na siyang ikinamatay ni Opinaldo.


Sugat naman sa braso at dibdib ang natamo ni Lerios na agad na ginagamot sa ospital saka siya dinala at ikinulong sa presinto.

Facebook Comments