DAHIL SA USAPIN SA UTANG, TRICYCLE DRIVER SA BAYAN NG BOLINAO SUGATAN SA PAMAMARIL

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarenta anyos na tricycle driver matapos itong barilin ng kapwa nito tricycle driver sa bayan ng Bolinao.
Ang biktima ay nakilalang si Ramon Gallardo habang ang suspek ay nakilalang si Jackson Canido.
Sa imbestigasyon ng PNP nasa kasagsagan ng inuman ang dalawa pasado aals dos ng madaling araw ng biglang magkainitan dahil sa usapin sa utang.

Dito na kinuha ng suspek ang baril at binaril ng tatlong beses ang biktima.
Tinamaan si Gallardo sa kanyang kaliwang dibdib na agad naman naisugod sa pagamutan at kasalakuyang naka confine habang nahuli ng PNP ang suspek kasama ang baril na ginamit nito na isang Caliber 45 at apat na bala nito.
Inihahanda na ngayon ng PNP ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments