DAHIL SA UTANG | Babae, sinaksak ang kapatid sa Malabon City

Malabon City – Duguang isinugod sa pinakamalapit na hospital ang isang lalaki makaraang saksakin ng sariling kapatid sa Barangay Tonsuya Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Villanueva 42-anyos habang nakilala ang suspek na si Rebecca Villanueva.

Lumalabas sa pangunang imbistigasyon, na nag-ugat ang pananaksak nang dahil lamang sa utang.


Sinisingil ni Rebecca ang kapatid na si Zaldy pero nauwi ang pag-uusap sa mainit na pagtatalo.

Napakuha ng kutsilyo si Rebecca matapos siyang sampalin ni Zaldy.

Dito na nangyari ang pananaksak sa kapatid.

Agad isinugod sa Tondo Medical Center si Zaldy habang sumuko namam sa pulisya si Rebecca.

Facebook Comments