Manila, Philippines – Isinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang karinderya sa Quezon City matapos hindi magbayad ng utang.
Ayon kay Quezon City Revenue Regional Director Marina De Guzman, mananatiling nakasara ang ‘Elarz Eatery’ hangga’t hindi nababayaran ng may-ari nito ang utang na aabot sa tatlong milyong piso kasama na ang mga surcharges at interest.
Paglilinaw naman ni De Guzman, hindi maapektuhan ng closure ang ilang roasted pig eateries na may kaparehas na pangalan na ‘Elars’ dahil pag-aari sila ng ibang kumpanya.
Batay sa record, tatlong porsyento ng percentage tax lamang ang nabayaran ng Elars sa halip na 12-percent value added tax kahit kumikita ito ng higit 16 na milyong piso noong 2016.
Depensa ng nasabing eatery, bigo silang makapagbayad ng utang dahil kulang sila ng pambayad.