Nagbigti ang isang bente otso anyos na lalaki sa San Carlos City dahil umano sa financial problem.
Ang biktima ay nakitang nakabigti sa kanilang kwarto pasado alas singko ng madaling ng kanyang ama.
Ayon sa mga kaanak nito, ilang beses umano nitong sinasabi na ito ay magpapakamatay dahil sa problema nito sa pera.
Dahil dito ay kumbinsido naman umano ang pamilya na suicide ang nangyari at walang foul play sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments