Dahil umano sa pamamato ng barya, Ginebra at TNT fans nagkagirian

Image via PBA Memes/ESPN 5 FB page

Viral ngayon sa internet ang girian ng mga fans ng Barangay Ginebra at TNT Tropang Texters matapos ang laban ng dalawang koponan nitong Linggo sa Araneta.

Sa bidyong nakalap ng Facebook group na PBA Memes, maririnig sa background ang hiyawan ng Ginebra die hard fans sa mga pababang tagasuporta ng TNT.

Kinailangan pang pumagitna ng mga guwardiya ng Araneta Coliseum para hindi tuluyang magkagulo.


Ayon sa mga nanood ng laro, nagsimula ang pang-aabang nang mambato ng barya ang ilang Ka-Tropa fans.

Screenshot via PBA Memes Facebook page

Depensa ng kabilang panig, wala silang inaasar at binatong indibidwal o grupo. Tinulungan din umano sila ni TNT power forward Troy Rosario para mapayapang makalabas ng coliseum.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sino ang kumuha ng bidyo.

Facebook Comments