Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang apat katao matapos silang pagsasaksakin ng isang pedicab driver sa bayan ng Mangaldan.
Ang suspek ay nakilalang si Rey Villegas Pilapil residente ng Brgy. Bantayan sa nasabing bayan.
Naganap ang pananaksak pasado alas siyete ng Gabi sa pedicab terminal ng dumating ang suspek sa pinag iinuman ng dalawa sa mga biktima na sina Julian Soriano at Jessie Malanum.
Dito ay inilahad ng suspek ang kanyang plano na pagsaksak sa dalawa pang biktima na nakilalang mag asawang sina Agripino at Erlinda Terre dahil umano sa utang.
Dito ay sinubukang pigilan ng dalawang naunang biktima ang suspect at nagkaroon pa ng diskusyon bago sinaksak ng suspek ang mga ito.
Matapos nito ay nagtungo naman ang suspect sa bahay ng mag asawang biktima at agad na sinaksak ang lalaki sa dibdib at hinampas ng steel pipe sa ulo ang ginang.
Agad naman silang nadala sa pinakamalapit na pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.

Facebook Comments