Manila, Philippines – Naniniwala ang abogado ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na mismong si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. umano ang nagpapabagal sa usad ng election protest.
Ayon kay Macalintal – walang ginagawang proseso o anumang hakbang ang kanilang kampo para pabagalin ang election protest ni Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Giit ni Macalintal, kung ano ang depekto ng election protest ni Marcos subalit malimit na napag-uusapan ang kagustuhan ni Marcos na ipabilang ang 662 municipal precincts, gayung 54 na presinto lamang ang nakasaad sa kanyang protesta.
Napilitan din ang abogado na sumagot sa press release ni Marcos na nagpapabasura sa counter-protest ni Robredo laban sa kanya, dahil hindi nakapagbayad ang bise presidente P8 million na sinisingil ng PET.
DZXL558