MANILA – Hindi parin matukoy ang dahilan ng malawakang brownout na tumama sa mahigit isang milyong costumer ng MERALCO.Tumagal ng isang oras at dalawampung minuto ang brownout noong Martes ng gabi kung saan naapektuhan ang Cagayan, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Ilocos, Abra, Pangasinan, Zambales at Bataan.Tinamaan rin ang maraming lugar sa Metro Manila, Bulacan,Cavite,Quezon, Rizal at Pampanga.Unang nagkaroon ng pagsabog sa breaker ng isang transmission facility sa Bulacan na sinundan ng pagbagsak ng iba pang planta sa Southern Luzon.Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson Chynthia Alabanza, sa katapusan pa ng Nobyembre, inaasahang mailalabas ang sanhi ng brownout.Sinabi ng Presidente ng First Gen na may-ari ng Sta. Rita at San Lorenzo plant, linya ng NGCP ang nagkaroon ng problema.Iginiit naman ni MERALCO Assistant Vice President Joey Alonzo, na suplay ang naging problema at hindi ang kanilang linya.Inamin naman ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentabella, na walang katiyakan na hindi na mauulit ang brownout lalo na sa pasko.Naniniwala ang grupong Bayan Muna, na posibleng may koneksyon sa pagtataas ng singil sa kuryente ang brownout.Matatandaan, brownout din ang nagdulot ng pagtaas ng singil sa kuryente noong 2013 na pinigil naman ng Korte Suprema.
Dahilan Ng Malawakang Brownout Sa Luzon, Hindi Pa Rin Matukoy
Facebook Comments