Dahilan ng negatibong persepsyon ng ilan sa hanay ng PNP pinagaralan ng isang Unibersidad

Inaral ng Ateneo De Manila University (ADMU) ang dahilan ng negatibong tingin ng ilan sa hanay ng Philippine National Police.

Kanina iprinisinta mismo ni Ateneo School of Government Dean Dr. Ronald Mendoza ang resulta ng pagsasaliksik sa Philippine National Police (PNP) Command Group.

Sa pag-aaral ng unibersidad 400 pulis ang kanilang naging key informants.


Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac una nang humingi ng tulong ang PNP sa Academe para matulungan silang matukoy ang mga paraan para mapaiwas na masangkot sa katiwalian ang mga pulis na dahilan ng negatibong persepyon ng ilan sa PNP.

Sinabi ni Banac ang resulta ng pagaaral ay ang pagrerekomendang dapat na magkaroon ng holistic approach sa mga pulis, partikular ang magandang relasyon sa pamilya, malalim na pananalig sa Diyos at ang pagkakaroon ng mentoring group.

Wala aniya ang mga ito ang mga pulis kaya nasasangkot sa katiwalian.

Ang pagaaral ay tinawag na project tarung na ang ibigsabihin ayon kay Banac ay salitang ugat mula sa salitang Katarungan.

Facebook Comments