Ipinaliwanag ngayon ng mga kinauukulan ang naging dahilan ng pag-down ng planta ng kuryente nitong Lunes ika-8 ng Mayo na naging sanhi ng malawakang pagkawala ng kuryente.
Ayon kay Central Pangasinan Electric Cooperative Gen. Manager Engr. Rodrigo Corpuz sa isinagawang KBP Forum ng Pangasinan Chapter nitong Huwebes sa Dagupan City ay kanyang inihayag ang naging dahilan ng pagkawala ng kuryente o power interruption sa malaking bahagi ng Pangasinan.
Dagdag pa niya, ang bawat isang sektor ng kuryente gaya ng CENPELCO at DECORP ay mayroon umanong kanya kanyang katungkulan at lahat ng ito ay minsan nagko-contribute o nagbibigay-daan sa power interruption kung saan matatandaan nitong Lunes lamang, ang siyang pinakahuli na nagkaroon ng naturang power interruption o ang Manual Dropping na ginawa or inimplement ng Operator ng National Grid Corporation of the Philippines na matatagpuan sa Brgy. Balingueo, Sta. dahil may mga nag-down na planta dahil may mga humiwalay na grid.
Dagdag pa niya, na ang Distribution Sektor gaya ng CENPELCO ay kailangan ding magsagawa ng interruption para sa kaligtasan ng mga nagtatrabaho.
Samantala, ayon sa NGCP, limang planta ng kuryente ang sapilitang nawalan ng kuryente, habang ang tatlo pa ay tumakbo lamang sa derated na kapasidad, sa kabuuang 1,354 MW dahil sa hindi sapat na supply kuryente. |ifmnews
Facebook Comments