Kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na tumawag sa kanya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong sabado at inalam ang naging dahilan ng pag-dagsa ng tao sa mga tanggapan ng DSWD.
Ayon kay Secretary Tulfo, alas-10 ng umaga noong Sabado, natanggap nya ang tawag ng Punong Ehekutibo matapos nitong malaman mahabang pila sa mga DSWD offices.
Naintindihan naman daw ng Pangulo ang kanyang paliwanag na kung saan, ikinumpara ng Kalihim ang senaryo ngayon kumpara sa pagbibigay ng educational assistance sa mga nakaraang taon gaya noong 2019 pababa.
Ipinaliwanag pa raw ni Secretary Tulfo sa Pangulo na binuksan sa lahat ang pagbibigay ng ayudang pang edukasyon basta’t in crisis ang mga dapay mag- aaplay.
Ang utos na lang daw sa kanya ni Pangulong Marcos, bantayan at tutukan ang sitwasyon habang sinabi nitong humingi ng tulong sa DILG.
kaya ngayong araw, magkakaruon ng Memorandum of Agreement ang DSWD at DILG para sa local government unit (LGU) na gawin ang pay out pero sa pangunguna pa rin ng DSWD.