Dahilan ng pagkahawa sa COVID-19 ng 2 years old na batang lalaki matapos magtungo sa mall, malabo pa rin ayon sa DOH

Hindi pa rin matukoy ng Department of Health (DOH) ang dahilan ng pagkahawa sa COVID-19 ng isang 2 years old na batang lalaki matapos magtungo sa mall.

Ayon sa DOH, nananatiling “multifactorial” at “uncertain” pa sila sa nangyari kung saan sinusuri pa rin ang ilang posibleng dahilan ng pagkahawa.

Ang batang lalaki ay nagpositibo sa rapid antigen test tatlong araw matapos gumala sa mall.


Una na ring hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III ang pamilya ng bata na muling itong isailalim sa test.

Nakakalungkot na balita naman ito para kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire lalo’t maraming kabataan ang nasa labas ng tahanan.

Sa ngayon, payo ng DOH sa mga magulang na huwag magpakampante dahil nasa paligid pa rin ang virus.

Facebook Comments