Dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog, pinatutukoy na ni PBBM sa DA

Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban na makipagpulong sa mga nagbebenta at mga producer ng itlog.

 

Ito ay upang matukoy kung bakit maging ang presyo ng itlog ng manok ay tumataas na rin nitong mga nakaraang linggo sa kabila na sapat ang supply ng itlog sa merkado.

 

Ayon sa pangulo, nais niyang marinig ang paliwanag ng egg producers at traders.


Batay sa price watch ng DA as of January 13, ang medium-sized eggs retail ay P9 mataas ito kumpara nitong December 022 na umaabot lang sa P6.90.

 

Ayon sa DA, dapat ay nasa P7 hanggang P7.50 lang kada piraso ng itlog pero ngayon ay umaabot pa ito hanggang P9.60.

 

Sa panayam kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, noong January 14 na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Egg Board para makita ang supply situation.

Facebook Comments