Dahilan ng pagtaas ng presyo ng Noche Buena items, natukoy na ng DTI

Natukoy na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng ilang Noche Buena items.

Sinabi ni DTI Consumer Protection Group Asec. Amanda Nograles na base sa kanilang pakikipag-ugnayan sa manufacturers, nakumpirma na tumaas nga ang presyo ng ilang panghanda sa Pasko.

Ayon kay Nograles, kaya tumaas ang presyo ng Noche Buena items dahil naubusan ng supply ang ilang retailers.


Nang maubusan aniya ng supply ang ilang retailers, ang ginawa ng mga ito ay kumuha ng supply sa kapwa retailers kaya nagkaroon ng pagpatong sa presyo at tumaas ang halaga ng mga panghanda.

Tiniyak naman ng DTI na naayos na ang nasabing problema at nakontrol na ang pagtaas ng preso ng Noche Buena items.

Facebook Comments