Walang katiyakan kung ano ang magiging presyuhan ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Sa bagong pilipinas ngayon, sinabi ni Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na maraming dahilan kung bakit may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay kahit na wala pang katiyakan kung titindi pa o hindi ang gulo sa Gaza.
Kanselado rin aniya, ang peace summit sa Jordan nitong nakalipas na October 18 na magbibigay-daan sana upang magkaroon ng commitment para sa sapat na suplay ng langis, ang mga oil producing country na kasama sa summit.
Dagdag pa ni Romero, na may apela rin ang Iran na i-boycott ng Muslim countries ang Israel.
Bukod dito, may pagbaba rin aniya sa stock pile ng US crude oil.
Sa pagtaas na naman ng presyo, tantya ng DOE na hindi tataas sa piso kada litro sa gasolina habang mahigit naman sa piso kada litro para sa diesel at kerosene.