Manila, Philippines – Binigyang diin ni Magdalo Representative Gary Alejano na hindi maaring gamitin ng Pangulo na palusot na tali ang kamay nito dahil sa limitasyon na itinatadhana ng Saligang Batas kaya bigo ito na masawata ang korapsyon sa gobyerno.
Ayon kay Alejano, ang kailangang gawin ng Pangulo ay sundin ang konstitusyon at igalang ang mga demokratikong proseso.
Nasa kamay ng Pangulo ang pagpapasya kung sino ang mga iluluklok sa mga matataas na posisyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Ang problema ayon sa mambabatas ang mga sinasabing korap na opisyal ng administrasyon na sinisibak ng Pangulo ay hindi naman nakakasuhan bagkus ay nare-recycle lamang.
Ang pahayag aniya ng punong ehekutibo na kung hindi siya nalilimitahan ng kasalukuyang Saligang Batas ay paraan ng panghihikayat na magkaroon ng revolutionary government kung saan siya ang tatayong diktador.