Natukoy na ng Bureau of Fire Protection o BFP Pozorrubio ang dahilan ng naganap na sunog na ikinamatay ng limang mag anak sa nasabing bayan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay BFP Pozorrubio Fire and Arson Investigator FO3 Christian Verosil, ang napabayaang naka charge na E-bike ang pinagmulan ng sunog.
Sinasabing walang sensor ang E-bike na dapat ay mag o-off ng kusa kapag nag fully charged na ito.
Mabilis aniya kumalat ang sunog kung saan ay nasa attic ang mga biktima kaya hindi agad nakababa nung kumakalat na ang sunog sa buong bahay.
Pinabulaanan naman nito ang bali-balitang walang tubig ang BFP ng maganap ang sunog dahil mananagot aniya sila kapag nagkasunog at walang laman ang kanilang Firetruck.
Sa ngayon ay hindi pa umano nakakausap ang pamilya ng mga namatay na mas pinipiling manahimik matapos ang insidente. |ifmnews
Facebook Comments