Dahilan ng sunog na sumiklab sa supermarket sa Paco, Maynila – inaalam na

Paco, Maynila – Inaaalam na ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung anong naging dahilan sa nangyaring sunog sa apat na palapag na supermarket sa may A. Linao Street kantong Pedro Gil sa Paco, Maynila.

Sa paunang imbestigasyon, bandang alas-5:45 ng umaga nang magsimula ang sunog sa storage room kung saan may panindang alak at alkohol kaya mahirap maapula ang apoy.

Nakalabas naman ang nasa 30 stay-in workers ng supermarket habang isang bumbero ang nagtamo ng bahagyang sugat sa pagresponde sa sunog.


Pasado alas-10:00 ng ideklarang fire under control ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Facebook Comments