DAIG PA ANG TAO? | Grupo ng mga usa, nagpakita ng disiplina sa pagtawid sa kalsada sa Canada

Canada – May mga pagkakataon talaga na pagdating sa disiplina, daig pa ng mga hayop ang tao.

Pinatunayan ito ng isang grupo ng mga usa sa Canada na nagpamalas ng disiplina sa pagtawid sa kalsada.

Sa video na kuha ng isang driver noong February 17, makikitang tumatakbo sa Fernie road sa British Columbia ang limang usa pero nang makita ang sign board na “stop”, tumigil din sila.


Ang usa sa unahan na mistulang tumatayong leader nila, tumingin sa kaliwa’t kanan ng tatawiran nilang kalsada.

At nang makita na walang paparating na sasakyan, nagpatuloy na sila sa pagtakbo.

Agad namang nag-viral ang video dahil sa hatid nitong good vibes sa mga netizen.

Facebook Comments