Patuloy ang pagtaas ng bilang ng arawang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Pangasinan sa nakalipas na pitong araw.
Sa talang inilabas ng Provincial Health Office, mayroong 170 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Pangasinan.
Ito ay matapos makapagtala ng tatlumpu’t apat na bagong kaso habang may dalawampung gumaling.
Umakyat na din sa dalawampu’t-apat ang daily average case ng COVID-19 sa Pangasinan sa nakalipas na pitong araw.
Samantala, ang mga bayan ng Lingayen, Calasiao at San Carlos City ang nasa watchlist ng Provincial Health Office dahil sa mahigit sampung aktibong kaso ng COVID-19 na naitala. | ifmnews
Facebook Comments