Hindi lalampas sa 3,000 ang maitatalang daily average case ng COVID-19 sa Metro Manila sa mga susunod na linggo kung mapapanatili ang 0.85 na reproduction rate sa rehiyon.
Ito ang pahayag ng OCTA Research Group matapos na bumaba sa 0.83 ang reproduction rate sa Metro Manila mula April 25 hanggang May 1, 2021.
Pero sakaling tumaas muli, kinakailangan anila na pag-aralang muli ang kasalukuyang quarantine restrictions sa NCR Plus bubble.
Una nang sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba ng 11% ang daily average number ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, base sa ulat mg OCTA, ang Navotas City ang nakapagtala ng pinakamababang average daily attack rate (ADAR) na 12.36 per 100,000.
Sinundan ito ng Maynila na may 15.62 ADAR at Caloocan, 16.08.
Facebook Comments