Posibleng umabot na lamang sa 2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Nobyembre sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bunsod ito ng patuloy na pagbaba ng kaso sa COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, bumaba na sa 5% ang positivity rate ng COVID-19 sa NCR.
Pasok na ito sa positivity level ng World Health Organization (WHO) para payagang magbukas ang isang rehiyon.
Bukod dito, bumaba na rin sa 0.55 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa NCR habang 0.57 naman sa buong bansa.
Facebook Comments