Daily COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng pumalo hanggang 43,000 sa katapusan ng Setyembre – DOH

Posibleng pumalo sa 17,000 hanggang 43,000 ang maiitalang COVID-19 cases sa Metro Manila pagsapit ng katapusan ng Setyembre.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ang kanilang nakikita lalo’t laganap na ang mas nakakahawang COVID-19 Delta variant sa bansa.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi rin malabong umabot sa 150,000 ang aktibong kaso.


Pero sa kabila niyan, nilinaw ni Vergeire na isa lamang itong projection na kanilang ginagamit upang mapaghandaan at magkaroon ng plano sakaling magkatotoo ito.

Facebook Comments