Posibleng umakyat sa 43,000 ang daily COVID-19 cases sa Metro Manila bago matapos ang Setyembre.
Batay sa pagtataya sa Department of Health (DOH), posibleng maglaro sa 16,000 hanggang 43,000 ang maitatalang bagong kaso hanggang September 30.
Kasama sa projections ang pagkonsidera sa ipinatupad na kaluwagan, kapasidad ng mga ospital at pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.
Nilinaw naman ng DOH na gabay lamang ang datos para sa gobyerno upang mapaigting ang COVID-19 response lalo na sa banta ng Delta variant.
Facebook Comments