Daily COVID-19 cases sa Pilipinas, posibleng pumalo sa 15,000

Maaaring pumalo sa 15,000 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw ang maitala sa Pilipinas sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Paliwanag ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, aabutin pa kasi ng pito hanggang sampung araw bago makita ang epekto ng lockdown.

Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,021 bagong kaso ng COVID-19, na pinakamataas simula noong April 11, 2021.


Kapansin-pansin din na tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa mga edad 30 hanggang 40 na posibleng dahil sa Delta variant.

Kadalasan ding tinatamaan ng severe COVID-19 cases ang mga indibidwal na hindi pa bakunado.

Noong Biyernes, kinumpirma ng DOH na mayroon nang kaso ng Delta variant sa buong Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments