Daily COVID-19 vaccination sa bansa, itataas sa 1.5 milyon bago mag-Pasko

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang hindi bababa sa 1.5 milyong Pilipino bago ang Pasko.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., itinataas ng gobyerno ang daily vaccination target nito para sa ligtas na Pasko.

Aniya, balak din nilang mabakunahan ang hindi bababa sa 50 milyong priority population.


“We are now raising the daily target to 1.5 million a day in order to achieve a happy Christmas this year. We will be opening the general population, then the pilot of children vaccination, and we are ramping up the vaccination of students, teachers, and tourism personnel, OFWs, and seafarers,” ani Galvez.

Inamin naman ni Galvez na bagama’t hindi problema ang suplay ng bakuna, nagkakaroon sila ng aberya sa logistic o tagal ng delivery nito sa mga probinsya.

“So, ina-address na po natin ‘yung logistical challenge at the regional, provincial, and municipal deployment and administration because napansin po namin na ang deployment bago po makarating po sa vaccination site, umaabot po ng more or less to 7 to 8 —7 to 9 days,”.

Sa ngayon, nasa 24,498,753 na ang fully vaccinated laban sa COVID o katumbas ng 31.76 porsyento ng target population.

Facebook Comments