Daily disinfection, isinasagawa sa Barangay Poblacion sa Pateros

Nakiisa na rin sa daily disinfection ang mga kabataan ng Barangay Poblacion ng Pateros.

Pinangunahan ng Youth Task Force ng SK Poblacion ang pagdisinfect sa bawat kalye o street ng kanilang barangay.

Bukod sa mga kalye ay araw-araw din sinusuyod ng mga youth volunteers ang mga maliliit na eskinita.


Sinisikap ng barangay na mapanatili ang zero COVID-19 sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay 3 suspected COVID-19 pa lamang ang naitatala sa barangay.

Facebook Comments