Posibleng maglaro na lamang sa 6,000 hanggang 8,000 ang daily new cases ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Oktubre.
Ito ay matapos bumaba na sa 0.76% ang reproduction rate sa buong bansa na indikasyon na patuloy na bumabagal ang hawaan.
Batay sa datos ng OCTA Research Team, patuloy ang pagbaba ng reproduction number sa National Capital Region na nasa 0.67 na lamang mula sa 0.88 noong nakaraang linggo.
Sa kabila naman ng pagbaba ng kaso sa NCR, nakikitaan pa rin ng pagsirit ang kaso ng virus ang Zamboanga City, Northern Luzon at Bacolod.
Facebook Comments