Dumoble na ang bilang ng mga turistang pumapasok sa Pilipinas, mag-iisang buwan matapos na buksan ang border ng bansa para sa international travellers.
Ayon kay Dana Sandoval, tagapagsalita ng Bureau of Immigration, mula sa 4,000 daily arrival bago binuksan ang border noong Pebrero ay pumalo na ito ngayon sa halos 10,000.
Karamihan sa mga pumapasok na foreign national sa bansa ay mga turista mula Amerika at Canada na may mga pamilya rin dito sa Pilipinas.
Inaasahan namang papalo pa sa 10,000 hanggang 12,000 ang daily arrival sa bansa lalo’t papasok na ang summer.
Dahil dito, full force na ang mga tauhan ng Immigration sa lahat ng mga paliparan sa buong bansa.
Samantala, batay sa IATF resolution, hindi na required na sumailalim sa quarantine ang mga fully vaccinated Filipinos habang hindi pa rin papayagang pumasok sa bansa ang mga foreign national na hindi pa bakunado kontra COVID-19.