Daily water service interruption sa Parañaque, Pasay at Cavite, pinalawig ng Maynilad

Muling nagpatupad ang Maynilad ng arawang water service interruptions sa ilang lungsod sa Metro Manila at Cavite.

Nagsimula ito noong Martes, April 25 at tatagal sa May 16.

Ayon sa pamunuan ng Maynilad, ang water service interruptions ay bunsod ng malabong tubig sa Laguna Lake at tagas sa ultrafiltration valve ng Putatan Water Treatment Plant 2.


Kabilang sa mga apektado nito ang ilang bahagi ng Parañaque, Pasay, Cavite City, Noveleta, Rosario, Bacoor, at Imus.

Tiniyak naman ng Maynilad ang pagdedeploy ng mobile water tanker sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments