Daing ng mga medical frontliners dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19, dapat pakinggan

Kinakalampag ngayon ni Senator Grace Poe ang Inter-Agency Task Force (IATF) at iba pang kinauukulang ahensya para pakinggan agad at tugunin ang paghingi ng tulong ng mga health workers.

Ayon kay Poe, dumadaing na ng matinding pagod at pagkakasakit ang medical frontliners dahil sa patuloy na lomolobong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Diin ni Poe, ngayon ay higit na nakaumang na mahawa ng virus ang mga doktor, nurse at hospital staff kaya kailangan proteksyunan sila at bigyan ng nararapat na kompensasyon at tulong.


Giit ni Poe, dapat tiyakin na naibibigay ang lahat ng nakalaan para sa mga healthworkers base sa itinatakda ng Bayanihan Law tulad ng risk pay, meals, transportation, accommodation at iba pang allowance gayundin ang sapat na protective gears.

Binanggit din ni Poe na ayon sa batas, ang health worker na mahahawa ng virus ay may kompensasyon na P15,000 para mild cases at P100,000 for severe cases habang ang tatanggap naman ng P1 million ang pamilya kung sila ay masasawi.

Facebook Comments