DAKIP!!! Rapist-Killer ng 15 Anyos na Estudyanteng Dalagita sa Tigaon, CamSur

Walang mapaglagyan ng galit ang pamilya at mga mamamayan ng bayan ng Tigaon sa probinsiya ng Camarines Sur ng mahuli ng PNP Tigaon ang suspect sa panggagahasa at pagpatay sa 15-anyos na dalagita nitong nakaraang linggo lamang. Kung hinayaan lamang ang galit na mamamayan na makalapit sa suspect at gawin ang kanilang paghihigante, marahil dila lang nito ang walang latay at punit-punit ang katawan pati na ang halang nitong kaluluwa mula sa kamay ng mga nagkukuyog na mga mamamayan.

Kinilala ang pinagsususpetsahang rapist-killer na si John Rey De Los Santos, edad 42 at galing sa Brgy. San Nicolas, bayan ng Villasis sa Pangasinan.

Ang biktima, grade 7, (isang menor de edad) ay natagpuang nakahandusay sa liblib at madamong lugar sa kalagitnaan ng Tinawagan National High School, Barangay Tinawagan at Barangay Libod kung saan siya umuuwi araw-araw galing sa eskwela. Wala na siyang buhay, bukas ang damit at wala na ring damit panloob.


Una ng inihayag ng kapulisan sa kanilang imbestigasyon at resulta ng otopsiya na may patunay na ginahasa at sinakal ang biktima hanggang maupos ang abang buhay nito.

Sa pag-aresto sa suspect at pagpost ng mukha nito sa social media, iba’t-ibang reaction ang isinulat ng netizens kaugnay ng karumal-dumal na Gawain ng suspect. Mayroong nagsabi na dapat patayin na rin ang suspect dahil sa mala-demonyo umano nitong kagagawan. Marami pang ibang komentaryo ang mababasa sa social media post kaugnay ng kasong ito.

Napag-alaman na dati-rati ng naglalakad ang biktima ng mga 3 oras kasama ang kanyang kapatid na lalaki papunta sa eskwelahan sa Brgy Tinawagan National High School at pauwi-pabalik sa tirahan nila sa Barangay Libod, Tigaon, Camarines Sur.

Nagkataon umano na naunang umuwi ang dalagita kung kayat hindi niya kasama sa paglalakad ang kanyang kapatid na lalaki. Sa pagkakataong ito, ayon sa pahayag ng pulisya, nagkaroon ng pagkakataon ang suspect na isagawa ang kanyang masamang balakin sa inosenteng estudyanteng dalagita.




Facebook Comments