Dalaga, Arestado sa kasong Pagnanakaw

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga otoridad ang isang dalaga sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela para sa kasong kinakaharap nito.

Kinilala ang akusado na si Mae Ann Canaveral, 20 anyos, tindera at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Reina Mercedes, dinakip ang dalaga sa bisa ng warrant of arrest nito sa kasong Qualified Theft na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Ariel Palce ng RTC Br.40 Cauayan City sa ilalim ng criminal case no. 40-12084.


Inirekomenda naman ng korte ang pansmantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P40,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang nasabing akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments