Naaresto ng mga operatiba ng Marikina Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang buy-bust operation ang isang dalaga dahil sa pagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Jasper St. corner Kaolin St., Brgy. Parang, Marikina City.
Kinilala ni Marikina Chief of Police P/Col. Restituto Arcangel ang nadakip na si Rubyna Amor Loyola Jorda, alyas Ruby, 19-anyos at kasama sa unified watchlist.
Ayon kay Arcangel, ang nabanggit na operasyon ay base sa impormasyon na natanggap ng mga operatiba ng SDEU mula sa isang confidential informant.
Matapos makakuha ng koordinasyon mula sa PDEA ay agad na isinagawa ang buy-bust nitong October 26, 2020 bandang alas-3:15 ng hapon.
Nakumpiska mula kay Ruby ang pinatuyong marijuana na may fruiting tops na nakabalot sa manila paper at may masking tape; 9 na piraso ng selyadong transparent ziplock na naglalaman ng pinatuyong mga dahon ng marijuana; Isang 1 paper bag na may lamang P500 na buy-bust money.
Sa kabuuan, ang nakumpiskang marijuana ay tumitimbang ng humigit kumulang 85 na gramo na nagkakahalaga ng P10,200.
Kasalukuyang nakapiit ngayon ang suspek sa custodial facility ng Marikina City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.