Dalaga at lalaking nahulihan ng malaking halaga ng illegal drugs sa Makati City, kinasuhan na sa piskalya

54

Kinasuhan na sa Makati Prosecutor’s Office ang isang dalaga at kasamang lalaki na nahulihan ng mahigit P700,000 halaga ng shabu sa Makati City.

Kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek na sina Jeanna Joie Taño, alyas “Jenna”, 26; at Adriel Alcala, alyas “Andeng”, 34, construction worker mula sa Lower Bicutan, Taguig City.

Ang dalawa ay naaresto sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Poblacion sa Makati City.

Unang binentahan ng mga suspek ng isang pakete ng shabu na nagkakakahalaga ng P50,000 ang poseur buyer at dito na tumambad ang 103 grams ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000.

Nabawi rin sa kanila ang ilang gadgets, motorsiklo at buy-bust money.

Facebook Comments