Dalaga na Wanted Person sa Calamba, Laguna, Arestado sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Sa kulungan ng PNP Cauayan nagpalipas ng gabi ang isang dalaga matapos mahuli ng mga otoridad dahil sa kinakaharap nitong kaso.

Hinuli ng mga elemento ng PNP Cauayan sa bisa ng warrant of arrest sa barangay Cabaruan sa Lungsod ng Cauayan ang akusadong si Sheryl Arzadon, 28 taong gulang, walang asawa at residente ng Panaga St., San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nahaharap si Arzadon sa kasong paglabag sa Section 10 ng RA 7610 na inisyu ng RTC Branch 8 Calamba, Laguna na may petsang November 4, 2020.


Mayroon namang inirekomendang halaga na P80,000 ang korte para sa piyansa ng akusado.

Kasalukuyang nasa lock-up cell ng PNP Cauayan si Arzadon at anumang araw ay ipapasakamay na ito sa court of origin.

Facebook Comments