Dalaga, Nagsasampay, Nakuryente, Patay

Isang dalaga ang hindi na nakarating ng buhay nang dalhin sa ospital matapos itong makuryente kahapon. Kinilala ang nasawi na si Rachelle Hubilla, 18, residente ng Barangay San Roque, Calabanga, Camarines Sur. Ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng kapulisan, nagsasampay di-umano ng mga damit si Hubilla ng aksaidenteng naputol ang isang linya ng kuryente at sumabit sa sampayan kung saan naroon ang biktima. Nakuryente si Hubilla na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Sinubukan pang tulungan ng ina ang kanyang anak na dalaga at naidala pa ito sa ospital, subalit huli na ang lahat.
Ikinalungkot naman ng management ng Camarines Sur Electric Cooperative sa Calabanga ang hindi inaasahang pangyayari. Nangako itong sasagutin ng kooperatiba ang lahat ng gastusin ng pamilya at magbibigay din ng financial assistance sa naulilang pamilya.
Kasama Mo sa RMN-DWNX 1611 – NAGA, PAUL SANTOS, TATAK RMN!

Facebook Comments