DALAGA, NASAKOTE SA AKTONG SHOPLIFTING NG SKINCARE PRODUCTS SA ALAMINOS CITY

Nasakote ng mga tauhan ng isang convenience store sa Brgy. Poblacion, Alaminos City ang isang dalaga na aktong nagnanakaw ng mga skincare products habang nagpapanggap na kostumer.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, minamanmanan na ang suspek matapos itong mahuling naglalagay ng iba’t ibang produkto sa sariling bag nang hindi dumadaan sa counter.

Agad namang hinarang ng mga staff ang suspek paglabas ng establisyemento matapos itong hindi magbayad ng mga kinuha nitong paninda.

Narekober mula sa bag ng suspek ang mga skincare products na nagkakahalaga ng ₱1,506, kabilang ang iba’t ibang cleanser, lotion, at skin serum, pati na rin ang ilang sachet ng kape.

Isinuko ang suspek sa kustodiya ng Alaminos City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments