Dalaga, Patay matapos Malunod sa Tubig Baha sa Cagayan

27

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang dalaga matapos malunod sa tubig baha sa Brgy. Ajat, Iguig.

Ito ang kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Iguig.

Kinilala ang biktima na si Sheryl Guim, 33-anyos at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.


Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nalunod ang biktima matapos ang biglang pag-apaw ng tubig baha sa kanilang lugar bandang alas-5:00 kaninang madaling araw.

Nagawa pang isugod ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang duktor.

Sa ngayon, nasa dalawang tao na ang kumpirmadong patay dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.



Kahapon ng naiulat ang unang casualty dahil sa bagyo na isang 27-anyos na security guard na abala sa pagbabantay sa seaport sa bayan ng Claveria.

Facebook Comments