Dalaga, Timbog sa Illegal na Droga; Ina, Inaresto rin

13

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang babae matapos magpositibo sa ikinasang drug buybust operation ng otoridad partikular sa Villarta Street, Brgy District 1, Cauayan City, Isabela.
Dakong alas 6:00 kagabi nang magtungo ang mga kasapi ng PNP Cauayan sa lugar na kung saan ay positibong nabentahan ni Aizel Jamaica Salvador, 25 taong gulang, dalaga, residente ng nabanggit na lugar ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer sa halagang Php1,000.00.

Agad na dinakip si Jamaica at nakuha sa pag-iingat nito ang perang ginamit na buybust money.


Inaresto rin ang ina nito na kinilalang sio Grace Salvador, 47 taong gulang matapos magwala at makipagbuno sa mga otoridad habang inaaresto ang kanyang anak.

Nabatid na dati ng nasa DI List ng PNP ang suspek na dalaga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalaga habang kasong Serious Disobedience to the Police Officer ang haharapin ng ina nito.

Parehong nakakulong sa lockup cell ng pulisya ang mag-ina.




Facebook Comments