Dalaga, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

199

Cauayan City, Isabela- Isang dalaga mula sa Cabatuan, Isabela ang nahuli ng kapulisan sa isinagawang drug buybust operation sa Dubinan West, Santiago City.

Kinilala ang nahuli na si Rechelle Hermo Quilisadio alyas ‘Che Che’, 32-anyos, dalaga at residente ng Del Pillar, Cabatuan, Isabela.

Dakong 5:50 kahapon ng isagawa ang drug buybust operation laban kay Che-Che na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at marked money na limang daang piso na ginamit ng nagpanggap na police poseur buyer.

Unang nahuli noong 2016 si Che-Che dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot subalit nakapagpiyansa ito ng P200,000 na kasalukuyan pa rin dinidinig sa korte.

Si Che-Che ay kabilang sa mga sumuko sa Oplan Tokhang sa Cabatuan na programa ng kapulisan.

Kaugnay nito, inihahanda na ng presinto dos ng SCPO ang kasong isasampa muli laban sa dalagang suspek.




Facebook Comments