Dalagang Entertainer na Tulak ng Droga, Arestado!

352

Quezon, Isabela -Arestado ang isang dalagang entertainer sa Brgy. Arellano, Quezon, Isabela matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon Police Station at PDEA RO2 bandang alas dos ng hapon kanina.

Kinilala ang suspek na si Sheryl Macacado, 36 anyos, tubong Samar, Tacloban at pansamantalang nakatira sa Brgy. Arellano, Quezon, Isabela.


Nakuha sa pag iingat ng suspek ang isang plastic sachet ng pinaghihinalaang Shabu at marked-money na limang daang piso matapos magpanggap na poseur buyer ang isang operatiba.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon

Facebook Comments