Arestado sa ikinasang entrapment operation ng PNP ang isang dalaga na gumagawa ng braces ngunit hindi ito lisensyado sa Dentistry sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.
Ang suspek ay nakilalang si Jazzel Garcia, 25 anyos at residente ng Brgy. San Felipe Sur sa nasabing bayan.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PMaj. Aurelio Manantan, Chief of Police ng Binalonan PS nakatanggap ang kanilang himpilan ng report mula sa samahan ng Philippine Dental Association Pangasinan Chapter na mayroon umano silang na-monitor na gumagawa ng braces ngunit hindi ito lisensyado.
Agad na ikinasa ng pulisya kasama ang ilang miyembro ng PDA Pangasinan Chapter ang isang entrapment operation laban sa suspek kung saan mayroong asset ang pulisya para maging pasyente ng naturang suspek at dito na napatotohanan na ito ay gumagawa ng iligal na serbisyo kung saan nagresulta ito sa kanyang pagkakaaresto sa kanyang bahay at nakuhanan ito ng iba’t ibang paraphernalia na ginagamit sa paggawa ng braces at 1, 500 pesos na buy bust money.
Napag alaman na ang suspek ay nagpapraktis ng dentistry sa pamamagitan ng paggawa ng orthodontic braces mula pa noong buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan ng walang lisensya.
Ani naman ng suspek, ay nagnenegosyo lang umano at ito ang kanyang naisip na hanapbuhay.
Kasong paglabag sa R.A. 9484 o ang Violation of Anti-Illegal Practice of Dentistry ang kakaharapin ngayon ng suspek. | ifmnews
Facebook Comments