Dalagang may kakulangan sa pag-iisip, hinalay sa tricycle

150

Arestado ang isang lalaki matapos umanong mang-gahasa ng 20-anyos babae na may diperensya sa pag-iisip.

Kinilala ng Quezon City Police District – La Loma Police ang suspek na si Rendel Mancera, 29, tricycle driver, na dinala na sa kulungan, Agosto 22.


Ayon sa pulisya, naka-parada si Mancera sa Barangay San Jose nang tawagin niya ang biktima at sapilitang pinapasok sa loob ng tricycle.

Doon umano pinaghahalikan, hinawakan sa dibdib, at ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa pribadong bahagi ng biktima.

Napansin naman ng barangay tanod na si Napoleon Dagohoy na nakabantay sa CCTV ang kahina-hinalang galaw sa loob ng tricycle.

Nang usisain ang CCTV footage, nakita ni Dagohoy ang puwersahang pagpapasok ni Mancera sa biktima sa loob ng tricycle, dahilan para ipaalam ang insidente sa pulisya.

Dinala si Mancera sa La Loma Police Station kung saan dinitena sa reklamong panggagahasa.

Isinailalim naman sa pagsusuri ang biktima para sa medico-legal sa Philippine National Police Crime Laboratory sa Camp Crame.

Facebook Comments

From Advertisers