Iniulat na nawawala ang isang dalagita at Grade 10 student sa Tayug, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng ina ng kinse anyos na si Lhia Janelle Gallardo Caritativo na si Maureen Dupitas Gallardo, umalis si Lhia Janelle sa kanilang tahanan sa Barangay Trenchera bandang alas onse ng gabi noong Marso 23, 2026 at hanggang ngayon ay hindi pa nakauwi.
Si Lhia Janelle ay may payat na pangangatawan, maputing balat, tinatayang 5’3” ang taas, at may nunal sa kaliwang mata. Huli siyang nakitang nakasuot ng pantalon, puting t-shirt, at tsinelas.
Patuloy naman ang paghahanap at imbestigasyon ng Tayug Municipal Police Station para mahanap ang kinaroroonan ng dalagita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










