Patuloy na hinahanap ang 16-anyos na dalagita mula Burgos na iniulat na nawawala simula noong Marso 24, 2026.
Ayon sa ulat, si Lovely Grace Lagradilla Navida, isang grade 11 student at residente ng Brgy. Pogoruac, Burgos, Pangasinan, ay umalis sa kanilang tahanan bandang alas-10 ng gabi nang walang pahintulot at dala ang kanyang mga personal na gamit.
Mula noon, hindi na muling nakontak at nananatiling hindi alam ang kanyang kinaroroonan.
Ang nawawalang dalagita ay tinatayang may taas na 5’5”, medium build, may maputing kutis, at huling nakita na nakasuot ng puting T-shirt at short pants.
Hinihikayat ng kapulisan ang sinumang may impormasyon hinggil sa kanyang kinaroroonan na makipag-ugnayan kay Erwin Castro Navida, ama ng nawawala, sa numerong 0927-910-3556, o sa Burgos MPS sa 0998-598-5099. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










